Una sa lahat, maraming salamat sa lahat ng nagkumento sa nauna kong post. :grin: Ang laki ng pinagbago noh? Ang taba ko talaga. Yuck. Kadiri. :???:
Dapat sa Linggo pa ako magpopost ulit, pero hindi ko nga napigilan.
Ang saya ko, kahit papano. Kasi madalas, pag umaga, magkakasama kami nung mga kaklase ko sa hayskul. Miss na miss ko na rin kasi sila. :mrgreen: Kaya kahit na kinagat kagat ako ng lamok sa EngWalk, okay lang sakin. :lol:
Minsan nakakainis noh? Pinipilit mo magpaka-intelektwal ngunit malalaman mo lang na wala palang klase kinabukasan sa Chemistry. :mad: Nangyari nga pala iyon noong Martes ng gabi. Pinipilit kong ipasok sa aking utak ang mga dapat na basahin sa Chemistry, ngunit nalaman ko nalang ng mga bandang alas-10 ng gabi na wala ngang pasok kinabukasan. :evil:
Ginintuang aral?
Ugaliing buksan ang e-mail account araw-araw para hindi mahuli sa balita.
Naaalala niyo pa ba ang sinabi kong iiwas ako sa fastfood? Punyeta! Wala! Kauumpisa palang ng taon, hindi ko na ito magawa. Wala naman kasing makainan noh. :???:
Pero hindi. Gagawin ko ang aking makakaya upang iwasan ang mga fastfood na iyan. :twisted:
(Diyos ko.Tulungan Niyo po ako. :neutral: )
Tapos kanina, wala kaming FILIPI1 kasi yung book launching ay ginawa ng alternatibong klase. Ang haba nanaman ng break ko. :mad: Ayoko pa naman yung naghihintay nang matagal para lang sa iisang klase. :mad:
Bumili na nga pala ako, ngunit pera ni mama, ng CD na UltraElectroMagneticJam. Masasabi ko? Asssssssssssstig! :cool: Pwera lang sa ibang kanta. Hindi ko gusto yung Alcohol kasi tinula lang. (Ganun ba talaga yung original? :roll: ) Hindi ko rin nagustuhan yung bersyon ni Rico J. Puno ng Ang Huling El Bimbo. Masyado na siyang matanda para sa kanta. Sayang lang. :roll: And Yael's voice isn't good for the song Pare Ko. :???:
Dito ko kailangan ang mga opinion ninyo. Magdedebut ba ako o hindi? :???:
Kasi parang nakakatamad nang mag-isip ng tema para sa debut. Nakakatamad rin magplano. Wala rin akong oras kasi busy nga sa school. Iniisip ko na ililibre ko nalang mga kaibigan ko, tapos pupunta nalang kami ni mama sa ibang bansa. Tingin niyo?
Tagged by Jema and Chesca
The tagged victim has to come up with 8 different points of their perfect lover.
Need to mention the sex of their target. Tag 8 victims to join this game and leave a comment on their Comments saying they've been tagged. If tagged second time, there's no need to post again.
Target: Male. Duh. :roll:
1. Someone who can accept me for who I am.
2. Someone who really loves me.
3. Loyal.
4. Honest.
5. Understanding.
6. Someone who can go along with my moods. (and my pang-aasar. :mrgreen: )
7. Someone who'll fight for me.
8. Someone that is clean. (You know what I mean. No yosi. No drugs. No vices.)
:arrow: I tag Marj, Jenny, Xyla, Elinor, Eka, Aura, Jacqueline, Winnie
List seven songs that you are into right now. No matter what the genre, wheteher they have words, or even if they’re not any good, they must be songs that you’re really enjoying right now. Post these instructions in your blog along with your seven songs. Then tag seven other people to see what they are listening to.
1. Photograph - Nickelback
2. Crazy - Simple Plan
3. I'm Sorry - Craig David
4. If You Were Mine - Marcos Hernandez
5. Ride Of Your Life - John Gregory
6. Never Ever - All Saints
7. Energy - Natalie
:arrow: I tag Zia, Toni, Julie, Kym, Janie, Elaine, Clara
Pasensya na! Ang haba na pala nito. :mrgreen: