This is long overdue. Hahaha. Pasensya na kasi tinatamad ako maginternet eh. Nasanay na kasi akong walang internet kahit na 10 days lang kami abroad.
Masaya naman yung trip, kaso lang mainit talaga dun sa mga countries na yun. Ang pinakagusto ko sa mga napuntahan namin is Singapore. Kahit na medyo mainit, super linis doon. Pati public restrooms nila hindi mabaho, may tissue pa at sabon. Yung havaianas ko nga hindi nangitim eh. Hahaha. Anyways. Medyo mahaba haba itong post na to.
April 27
Flight namin papuntang Singapore. Delayed ang flight so ang tagal naming nakatanga sa airport. Tapos pagkarating ng Singapore, late pa yung driver, so lahat kami asar. Sa Hotel Royal @ Queens kami nagstay. Okay naman yung hotel. Tapos pumunta rin kami ng Sentosa. Ang ganda nung musical fountain show nila kahit hindi ko napanuod nang maayos. Super puno ang amphitheater!!
April 28
Pumunta kami ng Oceanarium, Dolphin Lagoon at ng Ju Rong Bird Park. Nakakatawa lang kasi dun sa Oceanarium, Sentosa at Dolphin Lagoon, kailangan mong sumakay ng bus to go to different attractions. Eh ang daming bumbay. I swear may amoy talaga na hindi kayang tiisin. Kaya pag dumating yung bus, hala! Unahan lahat sumakay.
April 29
Pumunta naman kami sa Sim Lim Square, murang mura mga electronics dun. Kung naalala niyo, sa previous post ko, gusto ko nung Canon Ixus Izoom na violet, pero hindi yun ang nabili ko. Hehehe. Fuji nalang binili ko kasi ang ganda niya talaga. Nabili namin yun ng SGD$560 with 512mb na memory card. Naubos nga ang time namin kaka-canvass sa Canon, hindi tuloy namin nabilhan ng Ipod Video yung kapatid ko. Kawawa naman. Surprise pa man din sana.
After namin mag Sim Lim, may half-day city tour kami. Dun sa tour na yun, may kasama kaming diplomats from Czech Republic, tapos may American din at girlfriend na pinay.
Tinanong ni mama.
Mama: Taga saan boyfriend mo?
Pinay: Sa California.
Mama: Saan sa California?
Pinay: Sa Florida.
Mama: Nge! Eh sa kabilang coast yun eh!
Tawa kami ng tawa nun.
Pinuntahan rin namin yung sikat na Merlion.
Tapos sa Gem Factory rin. Natuwa nga ko sa gem factory eh. May kasabay rin kasi kaming nagtour doon, mga German. Tapos yung tour guide nila kinausap ako.
TG: Where are you from?
Me: Philippines.
TG: Kamusta?
Sila ni mama: Mabuti naman.
TG: Gusto ko mata mo. (referring to me.)
Me: Thank you.
Shet, siyempre kiligers diba. Hahahha. Tapos yung tour guide namin biglang sinabi: "This is my group!" Tawanan nanaman kaming lahat.
April 30
Flight na namin papuntang Malaysia. In fairness hightech ang airport ng Malaysia ah! MAy aerotrain pa sila. Hahaha. Sa Corus Hotel kami nagstay. Okay siya. Hahaha. Pumunta na rin kami ng Museum, at nung Palace nung hari nila. Tapos pumunta kami sa Times(mall) takte 10 floors yung mall na yun. Nakabili ako ng shoes! Hehehe. RM79 lang siya.
May 1
Pumunta kami ng Genting Islands. Mali nga timing namin kasi Labor Day so ang daming tao. Enjoy naman kahit papano. Nagpakafeeling Indians rin kami. Hahaha. Tignan niyo nalang sa multiply yung pictures kasi babagal ang pagload ng page eh.
May 2
Flight namin to Thailand. Nung pagkarating namin, sinundo kami ng tour guide, hinatid sa hotel, tapos sinamahan sa Indra Square. Shopping! Pero wala ata akong nabili. HAhaha. In fairness, hightech ang hotel namin ha! De-tapat lang ang room card. Haha.
May 3
Bumisita kami sa mga temple, yung isa, yung reclining buddha. Yun lang ang naalala ko. Tapos may pictures pa kami na nakahawak sa isang statue ng penis. Nasa multiply ko rin yun. After that, pumunta kami ng MBK, shopping nanaman. Dito ata ako nakabili ng cargo pants? Hindi ko maalala!
May 4
Floating market na 3 lang ang nagbebenta. Wrong timing. Hahahha. Pumunta rin kami ng elephant zoo. Natuwa ako sa shows nila. Tapos mga elephants, freely roaming sila sa zoo with their trainers.
May 5
Back to reality na. Lahat kami tumaba! Paano, every morning nalang naka buffet kami. Hahahha.
May 6
Nag duty free kami. Sa wakas nakabili na ako ng Summer Brown!!!!!!!!!! Tapos bumili rin ako ng Clean Fresh Laundry. Tae naubos ang aking money! hahahaha. Ang bango niya promise, yun lang ang pabango ko na nagustuhan ng kapatid ko.
May 8
Ito, magggym na kami everyday. Hahaha. So mas hindi ako makakapagupdate nang madalas. All in all, I liked Singapore best! Gusto ko yung Laksa dun, coconut milk siya na maanghang tapos may noodles.
Sa Malaysia kasi, mainit, marumi, parang Pilipinas. Mga tao walang disiplina, tawid lang ng tawid. Sa Thailand naman, masusungit at bastos mga tao. Bibili ka ng damit, no fitting ba naman! Tapos pag hindi ka nila naintindihan, sisimangot na agad at sasabihing, "ha?!" Tapos ang dami pang side comments. Hindi rin malinis dito, at super init! Super traffic pa.
go.urban!
Jenn here!
2nd year Psychology major. Now, DON'T ASK ME TO READ YOUR MIND.
Ahh.. how do I start this profile thingy?
Oh, this one thing you should know.
My favorite color changes with my mood. (So, that doesn't make it a favorite.) Whatever.
:D
Jenny
Xyla
Elaine
Chesca
Talamasca
Keiyt
Irish
Marj
Gen
Kaila
Hazel
Jacqueline
Jason
Maye
Niko
Toni
Send me your links!