Naku, ilang araw na akong hindi nagba-blog noh? Ang tagal na. Inabutan na rin kasi ako ng finals, at marami akong ginagawa, sabayan ko pa ng katamaran.
Anyway, ano bang nangyari? Hmm.. Ayun, finals week, isa lang finals ko.
Nakita ko si Cathy nung Tuesday sa Mall of Asia, namiss ko yung loka lokang yun! Sayang at uuwi na siya bukas, hindi man lang kami nakalabas. Si Lalaine kasi eh!!
Tapos nung 14 nagadjust na ako, kumuha ng card sa DEVPSYC, at pumunta ng Baras.
Ang saya sa Baras, promise! May pictures na naka upload, pero hindi ko ipapaview sa lahat. :P
15, birthday ni Jing at Maricris pero hindi ko na sila nabati kasi walang signal sa Baras.
Nagkita na rin kami ni Mama sa iStudio para kunin na yung Macbook.
(At nageenjoy na ako ngayon!)
Kagabi, debut naman ni Jing, in fairness, malayo. :P
Ang saya talaga pag nagkikita mo ulit yung mga highschool friends mo noh? Bihira nalang kasi kami magkita, sobrang busy sa school. :(
Si Lalaine, ang sarap pa ring asarin! :P
Anyway, tinatamad na akong kunin ang planner ko at i-blog ang mga nangyari sa mga nakaraang araw. :P
Bye!